TULAD NG TUBIG ULAN sa dagat, ng tadhana ng alon na mabasag sa dalampasigan, tayo’y nagtagpo, magkaniig. Tubig at buhangin.
Walang espasyong hindi napupunan ng mga salita, tula, mga gunitang lingid sa pag-inog ng mundo;
Pabulong, sa pagitan ng bawat tibok at hininga ay pagsintang nagkukubli sa likod ng papatulog na araw.
Tulad ng alon ako’y rumagasa, basag, sa lupa, ngunit lumilipad at nasa alapaap na.
No comments:
Post a Comment