You have not known what you are.
You have slumbered upon yourself all your life.
Your eyes have been as much as closed most of the time.
What you have done is already in mockeries.

The mockeries are not you.
Underneath them
And within them,
I see you lurk...


-Walt Whitman



26.2.09

dalawang piso


MAGSISIMULA ANG KWENTO sa ilalim ng punong mangga sa tuktok ng burol na napalilibutan ng malinaw na sapa. Dito madalas nagtatagpo ang matalik na magkaibigan na si Poknat at Bok-Bok. Isang gabing walang mga bituin ay nagkita silang muli. Bukod sa mga nagtatagong bituin ay tila isa lamang iyong gabi na tulad ng iba.

“Bakit ang tahimik mo, Bok?” wika ni Poknat habang pinagmamasdan ang tanawin sa paanan ng burol.

“Hinihingal ako e.” sagot ni Bok. “Napagod ako sa pag-akyat”. Alam niyang hindi pinaniwalaan ni Poknat ang sinagot niya.

“Ang wirdo mo ngayon. Parang may kakaiba sa’yo.” sabay tingin sa kaibigan, nakakunot ang noo. Aninag niya ang balisang mukha sa ilaw ng gasera sa kanilang paanan.

“Ikaw rin, Nat. May kakaiba din sa’yo bukod dyan sa pina-straight mong buhok.” winika ni Bok, nang nakatingala na tila naghahanap ng bunga sa mga nagsasayaw na dahon.

“Bagay ba?” Natuwa si Poknat dahil napansin ng kaibigan ang pina-straight niyang buhok.

“Ok lang. Pero mas gusto ko pa rin yung kulot.” winika nito na sinundan ng pagbakas ng lungkot sa mukha ni Poknat. Napansin ito ni Bok.

“Bagay naman sayo kahit ano…uhm…kasi maganda ka.” pabawing bulong ni Bok habang kinakalabit ang mga kwerdas ng kanyang gitara.

“Nako. ‘Wag kang umasang sasabihan kitang gwapo ka!” Sabay na natawa ang dalawa.

“Tugtugan mo naman ako, Bok” pabirong sabi ni Poknat.

“Ano namang kakantahin ko?” tanong ni Bok na tila biglang nanigas sa kina-uupuan. Simula pagkabata’y hindi pa niya nakakantahan si Poknat ng kahit ano ngunit wala siyang makitang dahilan upang hindi pagbibigyan ang hiling ng kaibigan.

Walang kaabog-abog ay tumayo si Bok sa kinauupuan at pumuwesto sa harapan ni Poknat, hinagkan ang gitara, nakaukit sa isipan ang awiting matagal na niya dapat inalay sa kaibigan.

Walang magawa si Poknat kundi makinig at ngumiti sa nanginginig na boses ni Bok. Ngayon lang niya narinig umawit ang kaibigan. Wala namang magawa si Bok kundi umawit at pumikit, nagdadalawang isip na imulat ang mga matang nagkukubli ng pag-ibig. Bawat tiklada ng gitara ay pag-asang marinig ng kaibigan ang tinatagong lihim.

Pagtapos tumugtog ay tinabihan ni Bok ang kaibigan. Magkadikit ang mga kamay sa ugat ng puno na kanilang inuupuan. Pinili nilang manahimik habang nilalasap ang mga sandaling magkadikit ang mga nanlalamig na kamay.

“Naalala mo ba dati, nung mga bata pa tayo, Nat. Madalas tayong nagpapalipad ng saronggola dito. Nakaka-miss.” tahimik na sinabi ni Bok, habang pinanonood ang mga paang naglalaro ng mga tuyong dahon at alikabok.

Tara! Bilis!” wika ni Poknat sabay hila sa manggas ni Bok.

“Huh? Magpapalipad tayo ngayon? Gabi na!” hindi makapaniwalang sagot ni Bok.

“Tungaw, hindi! Basta!” At tumakbo silang bumaba papunta sa sapa, bitbit ang gitara at ang gasera, hinahalikan ng malamig na hangin ang kanilang mga mukha. Hindi nagtagal ay nakarating din sila sa sapa.

“Pengeng piso, Bok.”

“Huh? Para saan?”

“Mag-wiwish lang ako." Hinugot ni Bok ang natitirang dalawang pisong barya sa bulsa at ibinigay ang piso sa kaibigan.

Ipinikit ni Poknat ang mga mata at taimtim na humiling, ang piso’y nakahimlay sa isang palad. Ginamit ni Bok ang pagkakataon upang pagmasdan ang kaibigan. Mga nakaw na sandaling inaasam-asam. Sampung taon na pagkakaibigan ngunit iba ang gabing iyon. Nasilayan ni Bok ang ganda nito sa malamlam na ilaw ng gasera, habang pinaglalaruan ng hangin ang kanyang mahabang buhok. Tumigil ang mundo samantalang patuloy ang pagtibok ng mga puso.

Kinuha ni Bok ang kamay ni Poknat, pinikit ang mga mata at humiling, hawak ang malamig na barya sa kanyang bulsa. Humigpit ang pagkakakapit ng mga kamay hanggang sa lumipad ang dalawang piso at tuluyang naglaho sa dumadaloy sa tubig. Lumipas ang mga sandali. Dalisay ang katahimikan ng gabi. At sa pagmulat ng mga mata’y wala na ang ilaw mula sa gasera na napalitan ng liwanag na nagmumula sa buwan at mga bituin at sanlaksang alitaptap.

“Anong hiniling mo, Bok?” tanung ni Poknat, mga mata’y tila may hinahanap sa mata ng bawat isa.

“Na sana mahal mo din ako, Nat.” sagot ni Bok, katotohanan na hindi na kayang itago ng kanyang mga mata.

“Sabi ko na nga ba e. May kakaiba sa’yo ngayon.” Sapat na ang ngiti at malamig na kamay ni Poknat upang malaman ni Bok-Bok na ang hiling niya at ang hiling ng kaibigan ay iisa.

38 comments:

RJ said...

1. Nakakapanibago! Ang husay mo talaga, isa kang dalubWiKA! Parang si Pepe, uhmn, taga Laguna ka nga pala, ano? Tama ba? Ano pa bang wika ang kaya mong isulat ng ganito kaganda, ROn? Wow! o",)

2. Sa pangalang Bok, naaalala ko ang tawagan nina Dave at Jay-R Garcia sa teleserye ng Kapamilyang Tayong Dalawa. Napapangiti rin ako sa pangalang Poknat.

3. Nagkataong ang bagay na nasa aking puso't isipan ngayo'y tungkol din sa mga hiling! o",)

4. Bago matapos ang buwan ng Pebrero'y may naihabol ka pang isa na namang kwentong pag-ibig. Ayos! U

. said...

Wow! Kung ano ang husay mo magsulat sa wikang ingles ay doble noon ang husay mo sa wikang Filipino. Astig ka talaga men.

Poipagong (toiletots) said...

“Na sana mahal mo din ako, Nat.”

- there's something really wrong with me in this love month. Kinilig ako ng di mawari nung binasa ko ito.

Love this one. hehe.

Chyng said...

Uso pa ba ngayon na nagkakatuluyan ang childhood sweethearts?

Kilig moments namna to...

Kape Kanlaon\ said...

POKNAT? yan yung tawag ko sa seksi kong kaklasi nung highskul... may meaning yun eh, nakalimutan ko lang..heheh

nice story ron, galing mo din magsulat talaga kahit tagalog..kudos!

Denis said...

ayyy ang cute naman.


--------------

kmusta na ron?

heard u want to be a militant nurse? err i mean military =)

cool yun

Anonymous said...

aba at akala ko nagbabasa ako ng packetbook. ang husay mo namang magsulat. ipunin mo ang mga sulat mo at tiyak balang araw may dadalhin sa iyo ang mga ito.

lucas said...

RJ:
yeah. taga-laguna ako. sa biñan. nako ingles at tagalog lang alam mo :) thanks

really? hindi pa ako nakakapanood nun. ngayon lang kami ulit ngkaron ng tv eh. hehe

cool! match na match talaga ang posts natin. hehe!

lance: sexy tapos poknat ang tawag? hahaha!

thanks, mate :)

denis: i'm good! how about you?

yeah. you heard it right. hindi ko lang sure kung kelan. medyo mahaba pala process yun. :)

keep safe :)
mugen: thanks :) tagalog naman para maiba.

jepoy: something wrong with you? nako baka maxado ka lang naging busy...hehe!

thanks, jepoy.

chyng: uhmm...nako bihirang-bihira lang siguro. uhmm perhaps 1/1,000,000? hehe!

Roland said...

uwawwwww, ang galing!!!
isa ka rin palang makata.
hehehe.

bakit hanggang 28 ang pebrero? ...sana hanggang 13 lang.

wala lang, dsming in love eh.

Anonymous said...

“Anong hiniling mo, Bok?” tanung ni Poknat, mga mata’y tila may hinahanap sa mata ng bawat isa.

“Na sana mahal mo din ako, Nat.” sagot ni Bok, katotohanan na hindi na kayang itago ng kanyang mga mata.

“Sabi ko na nga ba e. May kakaiba sa’yo ngayon.” Sapat na ang ngiti at malamig na kamay ni Poknat upang malaman ni Bok-Bok na ang hiling niya at ang hiling ng kaibigan ay iisa.

-> wow... :)

RedLan said...

poknat at bok-bok.... hmmm parang familiar sa akin ang code names ah. parang names nila kim at gerald sa teleserye? Bakit naisipan mong isulat sa tagalog? i-reserve ko 'to mamaya. pang bed time story na naman. 2 pages in a letter size paper. comment na alng ako later.

lucas said...

roland: salamat, mate. nako magkakaproblema kung hanggang 13 lang ang feb. magugulo ang lunar at roman calendar! hahaha!

rowjie: salamat sa pagbisita rowjie.

red: it's a total coincidence. poknat at bokbok talaga pangalan nila? hmmm...

i was thinking of the characters from hiraya manawari that i used to watch when i was young...hehe

tagalog para maiba naman :)

thanks, red :)

Anonymous said...

OMG! ang galing mo magsulat sa tagalog ^^

sana gawin mong mini-series sina poknat at bokbok hehe

keep on writing!

Anonymous said...

...wow. talagog ah, hehe. i remember our grueling PRIME days, finishing that freakin' tabloyd. haha. galing galing nito. haha, cnong kulot kaya un?!Ü...

...nga pala, i did something to my hair again, hehe.Ü

...i miss you.Ü

RedLan said...

nagkataon lang yun. yung poknat kasi yun ang tawag ni gerald kay kim sa Sana maulit muli. Yung bok naman tawag ng sundalang pma sa tayong dalawa. galing mong magpili ng name of characters. i'll read it later

Unknown said...

natuwa ako sa tungaw!!

aheks..pero ang galing...

ang galing mo..

ang sweet..

Über..

Anonymous said...

Poknat at bokbok nga yun, Sana Maulit Muli ang title ng teleserya, peru walang ganung eksena.. ang husay!

Kokoi said...

mahusay! parang pang tele ang kwento! galing!

Anonymous said...

ey! nagsubmit ka na ba sa Star Cinema? Mahilig ka naman sa mga stories eh. Carry mo yun!Ü

Aris said...

ganda ng kuwento! at nagsulat ka sa tagalog. ang galing! :)

Allen Yuarata said...

I love the way you ended it.

Magaling magaling! naantig ako bigla!

onatdonuts said...

isang napakahusay na manunulat...haha

nakakatuwa si poknat, may poknat ba talaga siya sa ulo?hehe

gandang kwento nito.

Anonymous said...

kinilig ako! gustung-gusto ko yung mga instances na ganito na may meeting of minds na nagaganap! sana lumabas yung mga bituin para naging mas makahulugan yung wish.

magaling! :)

Anonymous said...

i can't help but imagine kim and gerald in this post, tapos sa setting ng Tabing Ilog, pero naimagine ko din My Sassy Girl. =)

again, this is so refreshing. =)

RedLan said...

Mapa english man o tagalog, walang kupas si lucas. Iniimagine ko yung mga scene habang binabasa ko ang storya mo o storya na ginawa mo. Yung si bok-bok ba semi kalbo? joke lang. Maganda sa lahat ang last line. simple pero nakakakilig.

mrs.j said...

ako ito lucas..
naalala mo p b k?

ang galing mo na

mrs.j

miss u buddy

lucas said...

alex: thanks for reading, alex. mini-series? nako mukhang mahirap yun ah..hehe peace out! :)

hales: hahaha! yeah! i remember those days so well. hehe! and you did really good.

sino yung kulot. kahit sino! hahaha!

ano namang ginawa mo dyan sa hair mo? may pinopormahan ka noh? ahehehe!

i miss you too. may gagawin ka ba bukas?

red: ahh...i see. thanks for clarifying. kaya pala ang reaction ng mga tao ay puro kim and gerald love team. kailangan ko natalagang manood ng local tv. hahaha!

yeah. semikal nga yung si bok-bok! hahaha!

salamat for taking time to read, red :P

vanvan: salamat sa pagbabasa :) i should use 'tungaw' more often then. haha!

mon: seryoso? hays... what a coincidence. ayoko pa man din sa love team nila! hahaha!

kokoi: thanks, kokoi sa compliment :)

orangemonkey: uhmm...yung work kasi na hinahanap ko yung related na sa profession para hindi na kalawangin utak ko. ahehe...

thanks :)

aris: thanks. trial post ko to sa wikang tagalog. iba pa rin kapag tagalog. ahehehe!

allen: thanks for the compliment :)

onat: hahaha! pina-straight pa niya hair niya, may poknat pala! haha! nagcompensate! ahehe!

pao: thanks. pao :) lumabas naman yung mga bituin ah..hehe!may moon pa nga at fireflies. hahaha!

gravity: thanks, gravity! :)

grabe kim at gerald pala yung naiisip niyo. haha! hindi sila yung naiimagine ko while writing this! hahaha! nagkataong nagkapareho sila ng names dun sa mga teleserye--na hindi ko naman napanood. haha!

Dear Hiraya said...

hayz! bigla akong may naalala. Hayz! nakakaasar ka! grrr!!

bilib talaga ako sayo! Iba ka!

Habang binabasa ko yung kwneto na sinasaliwan pa ng kanta ni JayR, naaalla ko naman yung version ko ng kwento. tsk tsk.

Hindi tuloy ako makamove on hahaha!

Salamat sa kwentong ito.

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

KRIS JASPER said...

My heart is still working?

Parang nagka-emotions ako ulit after reading this.

sigh....

aimple pero parang naalala ko first crush ko bigla. lol!

ShatterShards said...

Wow! The posts are amazing! Whether tagalog or english, you have a way with words that is trully envious.

Coffin Rock and Dalawang Piso both used the imagery of the river and the lovers, and I can't help but wonder if it is the same river. hehe

Hopped here from Gentle's blog. I love it!

off topic: word verification: ISKOR!

Juzzie said...

wahhhh nice nice!

hindi ako nakapag boards last november... lintik na eswkelhan namin.. tagal dumating ng famous "SO number" ko from CHED... d tuloy ako nakasali sa exams.. hehehee

thanks s muling paGbisita!

pusangkalye said...

about Caleruega----


--dikapa namna kasal mate e so pwede pa---buhay pa ang pangarap ayt?

pusangkalye said...

you are IMPRESSIVE---totoo mate-

napahanga mo ko ngyn---dikalang pala magalig magsulat sa english---pati sa Filipino---

u know how to sustain the excitement in your stories at di mahirap sundan or say maintidhan pero di rin nmn corny---tama lang sakin----

_______

about the story---some people think its wrong but I believe that all great relationships start with friendship talaga----

________________

pero sandli- napansin ko---mahilig ka sa night scene---as romantic ng nmn no?

lucas said...

fjords: ano namang naalala mo? yung first love mo? ahehe! it's ok to reminisce. makakamove on din tayo. ahehehe!

KJ: o kamusta naman ang first crush mo? ahehe!

hurray! you still have emotions. haha!

peace out!

shattered shards: thanks for dropping by my site, shattershards---your name reminds me of Aragorn's sword from the lord of the rings (Anduril forged from The Shattered Shards of Narsil). wow. i sound so geeky! haha!

JUZ: nako sobrang hapit din kami dati. yung TOR namin hindi marelease agad kasi sobrang dami naming nurses. ayun.

hope you pass this june. you'll take it right?

peace out!

pusang gala: hehehe! Born Again kasi ako kaya hanggang pangarap lang yun. hehe! nagandahan lang ako sa landscape ng caleruega..hehe!

sige try ko mag-sulat na ang scene ay umaga. hehe!

Unknown said...

I love it!
Galing!

Anonymous said...

hehe, im sorry. =)

Myk2ts said...

nice one ron! that's why kahit hindi masaya para saakin ang love, kakatuwa paren kasi masaya sha para kay nat at bok :) more!

Anonymous said...

awwww! love the characters..Ü

u should be doing a lot of this tagalog stories,, panalo!=) sna my kasunod ang kwento ni bok-bok at poknat.. looking forward to that..Ü

miss you..

kmsta n ang para kay b? u like it? hope so..

at ano nman kya ang bgo s hairdo ni haley? hmmmm.. hehe..=)