You have not known what you are.
You have slumbered upon yourself all your life.
Your eyes have been as much as closed most of the time.
What you have done is already in mockeries.

The mockeries are not you.
Underneath them
And within them,
I see you lurk...


-Walt Whitman



15.5.09

truth or consequence


“Ano, Bok? Truth or consequence?”

Nawala sa sarili si Bok. Nakatulala sa kawalan habang nangungutyang nakaturo sa kanya ang bote ng sakto sa malamig na sahig na kanilang kinauupuan. Hindi pa rin siya makapaniwalang limang taon na ang lumipas mula ng huli silang nagkita ni Poknat. At ngayon ay magkasama silang muli; isang gabing hinahagupit ng bagyo. Dinig nilang dalawa ang malakas na ulan at hanging kumakatok sa mga bubong at bintana. Isang kandila ang nagbibigay ng kakarampot na liwanag. Buti na lang walang kuryente.

“Hoy! Bok! Ano na?”

“Ay, sorry, Nat.”

“Lumilipad na naman ang utak mo eh.” Parusa kay Bok ang ganda ng ngiti niyang hinahaplos ng liwanag. “Hindi ka pa rin nagbabago.”

“Senya naman. Pwedeng mag-sorry?” Sabay tawa ng dalawa.

“Ayaw mo yata nitong game na to eh. Gusto mo ibang laro na lang?” wika ni Poknat habang binabasa ang mukha ng kaibigan.

Napalunok si Bok habang pinipigilang tumawa sa mga alaala ng bahay-bahayan na dati nilang nilalaro.

“Hindi. Gusto ko. Ito na lang.” Sa totoo’y pinaka-ayaw ni Bok ang Truth or Consequence lalo na kapag si Poknat ang kalaro. Masyado nilang kilala ang isa’t isa para sa larong ito. Totoo kayang may mga bagay na hindi talaga nagbabago?

“Okay. So, ano na nga? Truth or consequence?” Tanong muli ni Poknat. Nakakatunaw ang pananabik na malayang nakaguhit sa kanyang mukha.

“Truth.” Bulong ni Bok. Dama niya ang butil ng pawis na gumuhit sa kanyang pisngi dulot ng init na nagmumula sa liwanag ng kandila.

“Okay. Hmmm.” Nag-isip ang dalawa ng mga tanong habang mga mata’y nakatingin sa mga nagsasayaw na anino sa kisame. Mahabang panahon ang apat na taon. Maraming nagbago. Maraming pwedeng itanong. Ngunit higit sa lahat ay marami ring mga sagot. Ang tanong ay kung seseryosohin ba nila ang laro at kung pipiliin nilang magsabi ng totoo. Nakakatakot isipin kung anong katotohanan ang pwede nilang malaman sa bawat pag-ikot ng bote.

“Okay eto… uhmm… After High School, nagka-girlfriend ka ba?” Bakas sa mukha ni Bok ang pagkagulat sa tanong.

“Oo. Si Elisa.” Sa puntong nabigkas ang mga salita’y kaagad niya namang pinagsisihan ang pagsasabi ng totoo. Sa loob-loob ni Bok, mali ang tanong ng kaibigan. Hindi iyon ang hinihintay niyang katanungan. Hindi rin iyon ang gusto niyang malaman ni Poknat.

“Oh. Okay.” Aninag pa rin ang ngiting ngayo’y naging maingat at kalkulado habang inaabot ang bote na kanyang pinaikot. Umikot ang bote. At si Poknat naman ang kailangang pumili.

“Truth or consequence?” Alanganing tanong ni Bok, pinipilit basahin ang mukha ng kaibigan sa ilaw na pakurap-kurap sa dilim.

“Truth.” Nakatingin siyang muli sa kisame.

“Ikaw? Nagkaroon ka ba ng boyfriend after High School?” Sigurado siya na kailangan niya itong itanong.

“Wala.” Bulong ni Poknat sa hangin. Hindi alam ni Bok kung anong dapat isipin ngunit palaisipan sa kanya ang pagkakasabi ng salita. Wala siyang ibang magawa kundi ilabas ang buntong hiningang nagkukubli ng pagkalito. Ang sagot ni Poknat ay tumawag ng marami pang katanungan; nagsisisksikan sa isip ni Bok. Bakit wala? Hanggang ngayon?

Walang nagsalita. Lumipas ang mga segundong lumutang sa hangin na tila humahatak sa kanila papalapit sa isa’t isa. Upang mabasag ang katahimikan ay kailangang magpatuloy ang laro. Hindi sinasadyang nagdampi ang mga kamay na parehong inabot ang bote sa sahig. Nagtagpo ang mga paningin sabay sa saliw ng mabilis na pagtibok ng mga puso. Kinuha ni Bok ang bote sa kamay ng kaibigan at isinantabi. Wala na ang bote sa pagitan nila. Hindi na niya kayang panoorin pag-ikot at hintayin ang pagtigil nito.

“Ikaw lang naman talaga, Nat. Ikaw lang.” wika ni Bok habang pinapanuod ang nauubos na kandila.

“Anong ako lang?” Pakunwaring walang alam na sabi ni Poknat.

“Ang minahal ko. Hanggang ngayon…” Hinayaan ni Bok na lumutang ang mga salita. “…ikaw pa din.”

Kinuha ni Poknat ang bote at pinaikot sa huling pagkakataon. Muli’y tumigil itong nakaturo sa kanya. Ano ang pipiliin niya? Walang abog na hinawi ni Bok ang bote na naglaho sa dilim. Tuluyan nang nawala ang pagitan sa kanilang dalawa.

“Truth or consequence?” tanong ni Bok habang nilulunod ang sarili sa mga mata ng kaibigan.

“Consequence.” Tila musika ang tunog ng ulan sa latang bubong. Sobrang lapit na ni Bok. Kaya nang bilangin ni Poknat ang mga namumuong luha sa kanyang mga mata.

Kinain ng dilim ang lahat at sa wakas ay naubos na din ang liwanag ng kandila.





36 comments:

HOMER said...

Nice! Pwedeng Pang Star-Cinema. haha!!! Read the link also kaw pala yan ha! haha!!!

> BTW parehas tayu Kris din bet ko sa Idol!

> Yup sa Laguna ako nag aral.

Unknown said...

ano ang nangyari sa dilim?

anong pinagawa ni bok sa consequence ni nat..

nabasa ko talaga ang unang labas ni bok at poknat..may future ha..

***kilig...

RedLan said...

Napangita ako kapag nababasa ko ang names na poknat at bok. Hay naalala ko naman si Gerald at Kim.

RJ said...

What's next?! Kiss? Love-making? o",)

Theo Martin said...

I love your post.

Sheeeeeettt! masama na to naaddict na naman akooo!

Chyng said...

aaww, aminan na!
naalala ko din naglaro din ako nyan ng hiskul, at takot kaba ang nararamdaman ko everytime hihinto yung bote sa tapat ko..

beautifully written ron! :D

ShatterShards said...

Hmmmm... Fictional nga ba? Hehe.

I love the open-ended finish to this story, it makes the mind create multiple possible scenarios as to the story's conclusion.

Apat na taon bago nagkitang muli... is this before, or after, ibalik ni Nat ang mga sinulat ni Bok? hehe.

Intregerro mode si ShatterShards. haha!

KRIS JASPER said...

ay bitin! sana tinuloy mo yung RATED X na scene.

sigh.....

:)

Anonymous said...

naks! naka-relate ako nito ah...

lucas said...

homer: thanks! nako hindi ako si dito pati dun sa sa dalawang piso ha? i think i made a mistake for using bok as one of my screen names! nyahaha!

Cool! Kris for the win!

Saan ka dito sa laguna nag-aral? taga-Biñan kasi ako.

van: nako hindi ko sure eh...uhmm.. nagkiss siguro. pansin ko nahihilig ako sa mga bitin na eksena. hehe! thanks :)

red: senxa naman..hehehe! ewan ko ba kung bakit yun ang pumasok sa isip ko. i would change it if i could...hehe!

RJ: nako kiss lang siguro... GP ang rating ng blog ko eh. hehehe!

theo: thanks for your comment btw :) peace out!

chyng: nako ayoko din ng truth or consequence nung HS. hehe! medyo awkward pa kasi tayo nun eh..hehe!

thanks :)

shatts: why i wrote this? i think kailangan ng madibdibang psychoanalysis! hehehe!

yikes! grabe tanda mo pa yun...sana lang hindi siya nagbabasa ng blog ko kundi patay na! hahaha!

---

swimming habang naulan??!!! crazy but sounds like real fun! hehehe!

KJ: hahaha! gusto mo kaw na lang magdugsong??? para masaya! hahaha! bawal x-rated sa blog ko eh. hahaha!

HOMER said...

Nagaral ako sa isang kolehiyo sa Calamba.. Madalas din ako sa binan dati kasi may kaibigan ako nakatira sa may South City dati. Saka yung ex ko nagaaral dati sa isang unibersidad dyan sa binan hehe!!

Anonymous said...

as usual, cute story pareng ron.

i really want to do this type of post pero hindi ko kaya. ewan.walang inspirasyon.hehe.you should teach me a thing or two. :p

_________________________

kris allen for the win!

Unknown said...

wow.. nagbalik ang tambalang boknat hehe.. di ko natapos magbasa antok na ko eh,

by the way, u r nominated. for more info, pls visit my blog! heheh

ShatterShards said...

Why you wrote this... baka naman may gusto kang mangyari involving a spinning bottle and a dimming candle light. May epilogue na ang Greatest Story Never Told, pero parang gusto mong gumawa ng ikalawang aklat. haha!

This year mo lang naman isinulat yung tungkol sa mga librong ibinalik sa iyo, malamang hindi lang ako ang nakaaalala.

Kung nababasa niya ito, ano sa palagay mo ang mararamdaman niya?

Kape pa! Cheers!

kalansaycollector said...

i sooo love it. kuha ang excitement ng laro ng truth or consequence! ;(

powerful.

eli said...

kung ganyan ba ng ganyan eh..gusto ko naring maglaro ng truth or consequence. hehe

astig ka talaga! i-publish mo na ang mga gawa mo! ikaw rin, baka kainin lang ng dilim ang mga sinulat mo. hehe

Dhianz said...

nice! wow... i love d' kwento... abah... at least nde akoh nosebleed ngaun ang post moh ah... tagalog... naaliw naman akoh.... ang sayah...
galing moh tlgah... nag-enjoy akoh sa pagbabasa... as always =) ingatz. hope u feelin' better now. Godbless! -di

lucas said...

homer: what a coincidence. dito ako sa south city homes nakatira...hehe! tagbilaran st. hehe!

peace out!

flamindevil: thanks! it's really a challenge to write when there's no inspiration. parang writers bloc? hehe!

can't wait for the finale this week!

mon: bloody cool! :) thanks mon... influential pala ang emo blog ko. ahehe! thanks very much and congrats din for being nominated...

hanep parang Oscars pala ito! haha!

peace out!

shatt: wow...you're really good with psychoanalysis. sigura nga ganun. i'm hoping to make a sequel of a lost story...

kung nababasa niya yung mga post ko regarding her, i think she'll get confused beacause now, were really good friends...

kalansay: thanks for the compliment, my friend :)

eli: nako baka mabalitaan ko wala ka nang ibang ginagawa kundi truth or consequence hahehehe! :P salamat... siguro i'll consider publishing my works kung maging full-time writer ako balang araw..hehe!

di: buti naman po nagustuhan mo. minsan lang kasi ako sumpungin para magsulat in Filipino. hehe! peace out!

vince: cool! thanks for dropping by :)

ShatterShards said...

I have yet to verify if the article really found its way into print, but I did see a blog where the article was posted. Probably this is the source of my friend's story.

Check the link: http://goodtimesmanila.com/2009/04/04/scuba-diving-jessica-soho-mistaken-for-beached-whale/

As to psychoanalitics, it is still open to discussion. Besides, ikaw lang ultimately ang makakapag-decide kung ano nga ba talaga ang gusto mong mangyari. Kung ang libro nga, nagiging series, minsan, ang buhay rin. hehe

Confession Nook said...

truth or consequence....pwede both?
i super like the ending..
gifted ka tlga lucas...=)

lucas said...

shatts: you're totally right. as of now hindi ko pa alam kung ano tlaga gusto kong mangyari talaga...bahala na... :)

confession nook: haha! hindi pwede. isa lang dapat. hehe!

salamat po :)

alex said...

Sobrang lapit na ni Bok. Kaya nang bilangin ni Poknat ang mga namumuong luha sa kanyang mga mata.i luv this line! classic!

@kris jasper: haha oo tuloy dapat sa mahalay! joke lang ron

--------------------------

awww have u heard ron? umalis na sina chad michael murray and hilarie burton sa OTH, sucks!

alex said...

yikes ron sorry di ko alam!!!!

-------------

last appearance nung dalawa sa season ender but still the show will go on, papalitan na lang yata sila

di nagka sundo sa talent fee kaya ganun

Denis said...

i agree with kris... hehe



============

have you heard the news? one tree hill lead star will not be back for the entire new season


word verif: MULAT - cool noh haha

lucas said...

ALEX AND DENIS: kelangan talaga sabay pa yung spoilers niyo? huhuhu!

di ko pa alam! T_T

ShatterShards said...

Bahala na... Marami nng nasirang buhay ang mga katagang iyan, mag-ingat ka, Ron! hehe

Dapat siguro, maglaro ka muna sa ibang playgound, tapos, pag naramdaman mong doon pa rin sa una ang galak mo, then saka ka bumalik. Just make sure na maayos mong iiwanan ang pangalawang playground. ;-)

Allen Yuarata said...

The ending reminds me of the scene where Harry Potter tries to kiss Cho Chang. She was crying that time tapos hinalikan ni Harry under the mistletoe.

Tapos na ang Valentines pero damang-dama ang aura dito. hehe.

Nice Bok at Nat!

pusangkalye said...

ayaw ko rin ng larong yan coz I am a very straightforward person at madalas--naabuso yun---either they abuse me or I abuse myself---hehe----[pag consequence namn e pagmumukhain kalang katawa-tawa---hehe

about certain things---yeah, I belive some things never change-----

Rcyan said...

Hahaha! Nice literary. By the way, I'm Rcyan. I just happened to come across your blog. Thanks for posting a very nice story.

Rcyan said...

What the? Sila ang nagkatuluyan sa huli???

lucas said...

shatts: yeah... tama. i guess i just need to take some time before i jump...

i'm not sure about the playgrounds though. i'm tired of playing games. hehe! seryoso pa man din akong maglaro...i think. hehe! thanks!

ryan: hi, ryan. thanks for dropping by and leaving some comments :) i really appreciate it. peace out!

allen: yeah! i remember that scene... i didn't like how it transpired on the screen though..ahehe!

thanks, mate!

pusang-gala: yung nga ang exciting sa larong yun eh. haha! the possibility of abusing someone or abusing yourself in the process! hahaha!

ayoko din ng larong yun. hehe! but i admit it's an exhilirating game...

Rcyan said...

Ummm.. I'm RCYAN. Hehehe...

lucas said...

rcyan: RCYAN??? interesting alias. hehe

jei said...

Nag kiss ba sila? nagyakapan? naglampungan? ano???

ah alam ko na. humiga sila sa sahig at nag-holding hands. ganun lang.

lucas said...

jei: I'm not really sure...hehe! siguro kiss lang. hehe! GP kasi ang rating ng blog ko as of the moment eh. hehehe! thanks for commenting :)

istepf said...

sobrang cheesy! :D

naku nald, kinilig kaya ako,, ang landi tlga nyang c bok at nat! haha..

dpat gawan n yn ng teleserye, dpat s kapuso network h.. haha.. ;]