THIRD YEAR HIGH SCHOOL. Dalawang araw bago mag-JS Prom… “Mr. Berania. Samahan mo nga to si Ms. Duma sa kabilang building.” Malakas na bulalas ni Ma’am Gadingan habang nagkaklase siya ng Advanced Biology.
Mukhang bored ang buong klase ngunit ang mga salitang ito ni Ma’am ay tila gumising sa ulirat ng lahat at nawala naman ang concentration ko sa inaaral na chart—The Difference Between the Cycles of Mitosis and Meiosis in Eukaryotic Cells. Napahiling ako na sana’y isa na lang akong eukaryotic cell sa isa sa mga glass slides ni Ma’am.
Nakaupo ako sa silya. Nakanganga. Petrified. Dama ang bawat matang punong-puno ng malisya at mga patagong ngisian. Nakaka-pressure. Para akong magkakaroon ng anxiety attack. Alam ng buong klase at alam ko na it’s now or never. Bakit pa kasi nauso ang mga love team sa hayskul or ang JS Prom? Nalaman ko na mahirap magka-crush kapag ang crush mo ay kaklase mo lalo na kapag saksakan ka ng katorpehan.
Dahan-dahan akong tumayo sa upuan ko. Walang galaw at tunog na lumipas na hindi napansin. Sinundan ko siya.
Mga limang yapak ang pagitan sa bawat isa. Hindi ko alam kung narinig niya ang sinabi ni Ma’am Gadingan pero wala na akong pakialam. Ni hindi ko alam kung saan kami papunta. Bawat yapak ay naging pakikipagbuno sa sarili habang naninigas ang mga kamao at nanlalamig ang mga kamay. Isa akong naglalakad na ‘torpedo’.
It’s now or never! Bigla akong napaubo ako. Pekeng ubo.
“Ehem! Ehem!” Shoot! Hindi niya yata narinig. Hindi siya lumingon. Basa na ang kili-kili ko. No choice. Kailangan ko nang magsalita.
“Ei! Nat!” nagulat ako sa matinis na boses na lumabas sa aking bibig.
“Ui, bakit?” Lumingon na siya sa wakas. Inugatan ako sa pagkakatayo ko. Nanganganib na bumigay ang mga tuhod.
“Uhhm…Sabi ni Ma’am Gadingan samahan daw kita.” Halatang pinilit ang mababang boses.
“Ah okey.” Nagpatuloy siya sa paglalakad. Ang bagal niya maglakad pero isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya. Para siyang pelikula—in slow-motion. Huminga ako ng malalim. Sinabayan ko siya sa paglalakad. Nasa likod ang mga kamay. It’s now or never. Waaa!
“Uhm... Nat.” Pareho kaming napatigil sa paglalakad. Magkaharap. Naghahabulan ang mga matang hindi magkatagpo.
Ano yun?
“Uhmm…May ka-date ka na ba sa Prom?” Sabay lunok. Ang sakit sa lalamunan. Para akong lumunok ng buto ng santol.
“Wala pa.” Sabay cartwheel ako.
“Uhm…pwede ka bang maka-date sa Prom?” Muntik na akong pumiyok. Nagpatuloy siyang maglakad. Tahimik. Nalintikan na. I blew it.
“Kailangan ba talaga may ganun? ‘Di ba pwedeng group?” tinanong niya habang nakatingin sa nagdidilim na langit habang ako’y sumusunod sa kanya parang basang ibong tinamaan ng kidlat.
“Oo naman.” Mahina kong sinabi. Sabay bulong sa hangin.
“So…would you like to go to the Prom with me?” Oo. Napa-English ako.
Nasabi ko na. Bahala na. And I just let it hang there. Isang malaking awkwardness na palutang-lutang sa hangin na parang nakakairitang bangaw. May dumaan na mga anghel. Naikiki-usyoso. Nakakabingi ang katahimikan maliban sa tunog ng umiihip na hangin. Naglakad kami. Nakatingala sa langit. Mabilis ang pagkabog ng mga pusong puno ng takot. Nang biglang…
“Sige, Bok.” At nasilayan ko ang mahiyain niyang ngiti. Nakakainis. Hindi ko na maitago ang aking malalaking ngipin at gilagid.
. . .
Pabalik na kami sa class room. Sa unang tingin ay mukhang tahimik ang lahat. Nagpapanggap na nakikinig sa mga sinasabi ni Ma’am Gadingan. Ngunit ang totoo’y nakikiramdam sa mag-love team na magbabalik.
“Ready ka na, Nat?”
“Kanina pa.” Natatawa niyang sinagot.
Pagbukas pa lang nang pinto ay ramdam na namin ang mga malisyosong mga mata at mga mapanuksong ngisian. Pinilit kong itago ang saya at kilig, pero tinraydor ako ng mga gilagid kong nagpupumilit na lumabas.
“O bakit hanggang tenga ‘yang ngiti mo,” tukso ng seatmate ko.
Napalingon ako kay Poknat. Kinukuyog ng mga classmates kong tsismosa. At sa pagitan ng paghinga’y nagtagpo sa wakas ang nagkakahiyaang mga mata.
“Wala.” Tuluyan nang nawala sa isip ko ang mga phases ng cell cycle. Napalitan ng hindi mapaniwalaang katotohanang ka-date ko ang crush ko sa JS Prom.
37 comments:
Wow, oo nga eh nung Valentine's bagay na bagay to, hehe, pero okay lang ayus nga eh.. Para lang akong nanonood ng pang teen ager na movie asking a girl out.. ahaha.
Nasa hitsura mo nga ang pagiging torpedo, siguro hopeless romantic ka rin tulad ng mga kakilala ko.. nyehe.. Nice post, parang kailan lang nangyrai ah, buhay na buhay ang pagkakasulat mo Ron.
cheers!
Your post made me smile, not because it reminded me of fond memories, but because it was truly endearing.
Okay na rin yung ganoong set-up sa prom, na ka-klase mo ang ka-date at ka-love team mo. I did not have that luxury, coming from an exclusive school for boys. hehehe
Keep writing!
Sana ay may buhay akong ganito nung high school. Utak space colony kasi ako noong mga panahong iyon.
Sa totoo lang wala akong mai-comment. Whew! Di ko alam kung bakit. Nagulat kasi ako, IKAW pala, Ron si Bok sa Dalawang Piso?!
nkakatuwa ang taglish n kwentong ito..=)
ah.. torpedo as in TORPE!!! haha..
naalala ko din ang kwento ng butas mong amerikana! hahaha..=)
c yah later!♥
dylan: Ahahaha! halata ba? crap! my blog practically screams 'hopeless romaticism' hahaha!
let's just say, it's from not so distant past. a very vivid memory.
shards: exclusive school for boys??? i can't imagine myself attending that kind of school. that's crazy. no girls around? hmmm...
thanks, shards! (i don't know what to call u :P)
mugen: really? wala talaga? ibang colonies naman ang nabubuo sakin nung HS ako..ahehe.
RJ: yep. pero hindi...gets mo? ahahaha!
isteph: hehe! sana magkita tayo mamya! miss you, steph! mwah!
ahaha dumaan! matagal ko ng hinahanap ulit tong blog mo. ayun. shhot na ulit!
Yas
wow! nakakalig to ah,. nakakanostalgic din.. oh high school days!! halos andun lahat ng first.. hehe
pero ok parin naman..aftershock ng valentine. hehe
naalala ko tuloy yong JS prom ko nung HS ako. naku masaya yun! hehe
paganda ng paganda ang sinusulat natin ah. keep it up
nice one!! so kayo pala sina bok and nat?
shucks talo niyo pa sina johnlloyd at sarah hehe
uy....tagalog ito ah! :) nice...
pang valentine nga pero huli man daw ang matsing huli pa rin. ano daw?! :P
oh mee...walang katapusang kilig moments ni bok at nat..
i fell in love with this one..swear..wala naman kasing date sa prom namin..sayang yung ka loveteam ko ..aheks..
wala na ang paborito kung tungaw pero me bangaw naman...ahekss
Yup, exclusive for boys. From grade 3, until 4th year HS. Kaya nung JS Prom, it was either you go stag, go in a group, or magdala ka ng trophy date from an exclusive for girls school. In my case, I was saved by my brother and his best friend, who happened to have a sister who was my age. My shopmates ended up flirting with her, though. haha!
--------
Re Arena: Yeah, I guess I'm rooting for DLSU. Funny thing, 4 years of being a Lasallian and I never watched a single game of UAAP. Last Sunday was the first I ever watched. I don't think I'll be able to watch on Wednesday, I have work.
Re Illusion: Dachshunds are cute little things. I'll try to take a picture of Odie next time.
I still think any allusion of my name to Tolkien is coincidental, although I may have been influenced by both book and movie. hehe.
Thanks for the add!
by the way, you can call me shatter for short; Gentle does. Although, "Shatts" sounds kinda cool. hehehe
yas: buti naligaw ka ulit dito sa blog ko. ahehehe! salamat sa pagdalaw, yas.
mon: nakaka-miss nga ang HS. ang simple ng mga bagay.
eliment: salamat, mate :P
alex: ahehe!
naisip ko lang na code names... salamat, alex :P
josh: taglish! para maiba naman! ahehe!
van: walang date sa prom niyo? how come?
hehe! salamat :P
and shatts it is. hehe!
WORD VERIFICATION: S-L-I-N-G
iba talaga ang pogi.hindi makatanggi ang babae.hehe
ayus yan parekoy.malamang labas din ang gilagid mo habang sinusulat mo 'to.haha
hay... para akong bumata ng 2 taon. Feeling ko 16 uli ako (ahem!).
Well written Luke!
ayos.. ver light weighted ang topic ng post mo na ito favorite writer! :) tamang pang valentine's nga, sayang.. pero nevertheless, still worth reading kahit sa anong araw... nakakatuwa talaga un nagbabalik tanaw ka with all the things that happened in ur past.. nakaka senti tuloy... tpos maaalala mo un mga first times ng buhay mo.. hahaha.. ayos... makapag-reminisce nga din :)
Naks, lovestory! Thanks for sharing! Naalalako din prom ko.
Nung pauwe ako last sat dumaan ako sa mga salon para magpa- manicure/pedicure. Andameng girls, ano event? Yun pala prom!
Haha. naku naalala ko tuloy ung prom namin. ahaha. buti ka pa. hehe. ako wala lang.
Nakakatuwa nmn tong post na ito. unga maganda pang valentine's hehe.
wala akong ka-date nun. puro eskwela lang nasa isip ko nun at hindi ang ka-eskwela. hehe
hindi ako nag attend sa JS prom namen nuon kasi taga ibang school kasi ang GF ko...lol
medyo me pagka-comedy to---cool. kakatuwa. at least iba namn sa dating super emo post---it shows your versatility. Gusto ko yung taglish parts. at yung pagpapapwis ng kilikili---hehe. ganun talaga sa totoong buhay.keke
What about me? E torpe rin kasi, kaya di gumawa ng paraan. Isa pa, kapatid ng best friend ng kuya ko yung girl, kaya parang magkapatid lang kami. hehe
Wahaha...ngayon ko lang ito nabasa, nakakatawa ang iyong pagsasalay-say, lalo na iyong sinabi mong para siyang isang pelikula slow-motion..baka naman talagang hinihintay niya lang na tanungin mo sya? HuwOw! lols! Tama ka at badtrip ang mga love teams...lalo kapag hindi ikaw ka-love team ng crush mo..hahaha
flamindevil: ahehe! ui, wala akong sinabing pogi ako ha? hahaha!
nako hindi lang gilagid! hehe! sarap magreminisce. hehe!
KJ: ahehe! ang bata mo pa pala KJ! hahaha! 18 ka pa lang? hahaha!
thanks, mate :P keep rockin'
May: ahehe...salamat. light naman to break the monotony. yung susunod kong post is a little depressing. haha!
thanks, May :)
chyng: naalala ko toxic ang JS lalo na sa mga girls. ang daming dapat gawing pagpapaganda. ahehe! :)
thanks din :P
jepoy: bakit? ano bang nangyari sa prom mo nung HS? ahehe!
eli: wala kang date or kahit crush noong HS? ahehe! ok lang yun... medyo sinwerte lang ako kasi MU kami nun ni Nat. pero siguro kung hindi nako...wala akong lakas ng loob para yayain siya. hehe!
lance: ganun? hahaha! pwede naman kahit walang date eh. hehe!
pusang gala: ahehe! minsan lang kasi ako mainspire magsulat ng light kaya i took the advantage. ahehe! thanks, mate :)
shatts: torpe ka rin? until now? ahehe! i kid :)
ahh i see .
marlon: Tama ka at badtrip ang mga love teams...lalo kapag hindi ikaw ka-love team ng crush mo..hahaha---super lolz! hahaha!
bat may "hahaha!" ?
LOL!
Bok, kamusta naman si Poknat? hehehe. Kinilig ako sa post na'to. haha. Sino naman ang hindi pa-pressure. Basta gwapo napi-pressure talaga. lol. Now or never. Challenging words talaga. Ito pala ang good memory ng JS card mo. Galing!
kainis ka ron ( in kolehiyala tone) lol
hay i remember my seniors tym sa prom. i was named MR. senior and then had the privilege to pick my partner sa floor to open the dance part- i chose the girl in CAT uniform. yung delegates na nag cross sword sa prom namin.
a year after, she went to the prom pero di ako date nya, graduate nako eh
she was a sophie when i first had my dance with her
hala cheese.
parang eksena lang sa pelikula ah! hehehe...nakakakilig naman! sometimes, you just have to go at it headstrong, otherwise, you will miss the opportunity. :)
oh my! kayo pala si bok at poknat!! haha. ang galeeeng. =)
ang cuuuuuute ng post na ito. so highschoolish! waaaaah. wala kaming prom nun, ang jologs ng school namin.
KJ: ahehe! wala lang.
red; kaw nagsabing gwapo ako ah hindi ako! hahaha! joke!
ayun, ok naman siya. registered nurse na din :)
denis: astig ka naman pala eh! kaw na MR. Senior! hehehe! wala akong pag-asa sa ganyan kasi para akong kalansay back in HS. hehe!
ano nang nangyari dun sa sinayaw mo?
pao: i totally agree, pao :)
thanks so much.
gravity: ahehe! codenames lang yun. hehe!
salamat, mate :P
you know what? you never cease to make me feel like a woman. (this, coming from someone who look much lesbian in person. haha)
you pen spurs. it weakens. in a good way.
tinay: you look like a lesbian in person? i disagree. :P thanks!
napadaan. napabasa. napangiti. nakilig.
hay. hayskul.
kakatuwa etong blog mo.
*kaway, kaway*
deejay: thanks for the drop :P
naks, kinilig ako dun ah!
akala ko naiihi lang ako, yun pala totoong kilig na.
hayys, hay skul memories.
nice one, mate!
Post a Comment